Petsa ng pagkabisa: Abril 21, 2023
Ang AppLovin Corporation (kolektibo, “AppLovin”, “kami,” “namin,”, o “amin”) ay nagkakaloob ng magkasamang mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng iba’t ibang channel. Nagbibigay kami ng mga partikular na produkto at serbisyo pangunahin sa aming mobile operator at mga handset manufacturer partner, sa pamamagitan ng mobile application at kaugnay na mga software solution na nakapaloob sa mga device na pinapakalat ng mga naturang business partner.
Nilalarawan ng Abiso sa Privacy (“Abiso”) na ito kung paano namin ginagamit ang personal na impormasyong kinokolekta namin sa pamamagitan ng aming AppLovin Array Services app (“App”), kagunay na software solutions, at mga website kabilang ang https://legal.applovin.com/ (“Website”) (kolektibo, ang “Serbisyo”). Maliban kung natukoy sa Abisong ito, ang mga terminong ginamit sa Abisong ito ay may parehong kahulugan sa aming Mga Tuntunin sa Serbisyo. Bilang karagdagan, nilalarawan ng Abisong ito ang ilang karapatan at pagpili na kaugnay ng iyong impormasyon na maaaring nalalapat sa iyo. Sa paggamit o pag-akses ng Serbisyo sa anumang paraan, kinikilala mo at sumasang-ayon ka sa mga gawain at patakaran na binalangkas sa Abisong ito. Kung hindi ka sang-ayon sa aming mga gawain sa privacy, mangyaring tumigil sa paggamit ng aming mga Serbisyo.
Personal na Impormasyong Kinokolekta Namin
Tinatanggap namin ang sumusunod na impormasyon para magbigay ng mga Serbisyo at mapabuti ang pagserbisyo sa mga user at aming mga business partner:
Impormasyong Kinokolekta Namin Kapag Gumagamit Ka ng Serbisyo Namin
Kung isa kang user na nakikipag-ugnayan sa aming mga Serbisyo, maaari kaming mangolekta ng ilang partikular na impormasyon kabilang ang mga sumusunod mula sa aming mga business partner, ang mobile device ng user, o direkta mula sa user:
- Pagkakagawa, model, at operating system ng device;
- Device properties na may kinalaman sa laki ng screen, orientation, audio, baterya, device memory usage, settings, at boot time;
- Device settings na may kinalaman sa accessibility features, laki ng font, theme;
- Carrier;
- Operating system;
- Bansa, time zone at locale settings (bansa at gustong wika);
- Uri at bilis ng network connection;
- IP address;
- Internet browser user-agent na ginagamit para maakses ang Serbisyo;
- Advertising IDs (GAID); at
- Impormasyon sa paggamit ng App, kabilang ngunit hindi limitado sa:
- Oras at tagal ng iyong paggamit ng App
- Log information hinggil sa paggamit ng mga application at device features, aling application ang dinownload, in-install at in-uninstall, network traffic data, at opsyon sa serbisyo na pipiliin ng user
Gagawa kami at magtatalaga sa iyong device ng identifier na kahawig ng iyong account number.
Kung pipiliin mong iakses ang Website namin, maaari kaming mangolekta ng personal impormasyon na ibinahagi sa amin (gaya ng pangalan, email address o ibang address na binigay mo, at anumang ibang impormasyon na ibibigay mo sa amin kapag kinontak mo kami para sa suporta o nagbigay ng feedback).
Impormasyon mula sa mga Ibang Pinagmulan
Maaaring magbahagi ang aming mga advertising partner sa amin ng impormasyon na naglalarawan kung gaano kadalas gamitin ng mga user ang mga kanilang mga application at impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa loob ng application nila. Ginagamit namin ang impormasyong ito para bigyan ka ng Serbisyo at pagbutihin ang mga produkto at serbisyong hinahatid namin sa iyo, kabilang ang prebensiyon ng panloloko at/o pag-verify ng pagkakakilanlan. Maaari din naming pagsamahin ang impormasyong kinokolekta namin sa ibang impormasyon na nakukuha namin sa mga analytical technique, at ginagamit namin ang pinagsamang impormasyon na iyon para mag-alok ng Serbisyo. Ang ganitong uri ng impormasyon ay maaaring may transactional data na may kinalaman sa interaksiyon ng isang konsyumer sa application, tulad ng impormasyon tungkol sa mga aksiyong ginawa sa isang application tulad ng pagbili o installation ng application.
Paano Namin Ginagamit ang Cookies at Ibang Tracking Technologies
Website Tracking. Maaaring gumamit ang Website namin ng cookies, web beacons, o iba pang katulad na teknolohiya para mangolekta ng impormasyon. Maaari mong limitahan ang paggamit ng cookies sa iyong browser settings, pero tandaan na may ilang bahagi ng Website na hindi gagana nang maayos kung walang cookies. Nakikipagpartner din kami sa Google Analytics para mas matuto pa tungkol sa paggamit mo ng Website namin. Para sa higit pang impormasyon kung paano gumagana ang Google Analytics maaari kang bumisita dito. Para umayaw sa Google Analytics, maaari kang bumisita dito at sundan ang instructions.
Mobile Application Software Development Kits (SDKs). Maaari naming gamitin ang aming software development kits (“SDKs”) sa App at/o sa Nirerekomendang Apps para sa iba’t ibang layunin, kabilang ang pagbibigay sa amin ng analytics hinggil sa paggamit sa aming mga mobile application, para mag-integrate sa social media, magdagdag ng mga feature o functionality sa app namin, o mag-facilitate ng interest-based advertising. Maaaring makakolekta ng impormasyon ang mga third party direkta sa aming mobile applications dahil sa mga SDK.
Paano Namin Ginagamit ang Iyong Personal na Impormasyon
Ginagamit namin ang impormasyon para mangolekta ng impormasyon sa layunin ng pagbibigay ng aming Serbisyo at gayundin sa pagsasagawa ng pagsusuri para pagbutihin ang aming mga produkto, serbisyo, at teknolohiya at iyong sa mga partner namin. Dahil sa impormasyong ito, nagkakaroon ng advertising at app recommendations na malaki ang tsansang maging angkop sa aming mga business partner at user ng device. Dagdag pa rito, ginagamit namin ang impormasyon para suriin ang performance ng mga kampanya sa advertising ng aming mga business partner at bigyan sila ng mga performance report. Mas espesipiko pa, maaari naming gamitin ang impormasyon mo para:
- Magbigay ng aming mga Serbisyo sa iyo, kabilang ang paggawa ng mga rekomendasyon ng app na maaaring interesado ka, pagpapaalam sa iyo tungkol sa mga update sa mga app sa iyong telepono para madali mong mai-install ang pinakabagong bersyon, o iba pang transaksiyon sa amin
- Makagawa ka ng account at kung gayon makipag-interact sa amin at aming mga partner app
- Tukuyin kung karapat-dapat ka para sa mga partikular na produkto at/o serbisyo
- Maipaalam sa iyo ang tungkol sa aming Serbisyo, kabilang ang pagtugon sa iyong mga hiling sa customer service o tumugon sa mga tanong o korespondensiya na pinapadala mo sa amin
- Presentahan ka ng marketing na may kinalaman sa aming Serbisyo
- Suriin at pagbutihin ang aming Website, Apps, mga produkto, at Serbisyo, kabilang ang pagsusuri ng mga trend at paggamit
- Suriin ang mga market trend at consumer behavior para sa internal na layuning pangnegosyo
- Makaiwas sa panloloko, ma-detect, imbestigahan, o pagbutihin ang seguridad o ibang legal na alalahanin
- Sumunod sa naaangkop na mga batas at regulasyon o tumugon sa mga legal na proseso o hiling sa pagpapatupad ng batas
- Tuparin ang anumang ibang layunin na iyong ibibigay o pahihintulutan
Paano Namin Binabahagi ang Iyong Personal na Impormasyon
Sa pagpapatakbo namin ng negosyo at pagtatrabaho para mabigyan ka ng Serbisyo, maliban kung iba ang tinukoy kung saan, maaari naming ibahagi ang impormasyon mo sa mga sumusunod na paraan:
- Sa mga nirerekomendang app, aming mga affiliate namin, at aming mga business partner. Kapag ginagamit mo ang App, maaari naming ibahagi ang impormasyon sa Nirerekomendang Apps, mga affiliate namin sa lawig na ang kanilang apps ay Nirerekomendang Apps, at mga business partner (ang device carriers at OEMs) na nag-aalok ng Serbisyo, hangga’t kinakailangan sa operasyon na magbigay ng aming Serbisyo at para sa layunin sa attribution.
- Sa aming mga service provider. Tina-transfer namin ang impormasyon sa mga service provider, at ibang mga partner na sumusporta sa aming negosyo, tulad ng pagbibigay ng technical infrastructure services, pagsusuri kung paano ginagamit ang aming mga Serbisyo, pagsusukat ng bisa ng mga ad at serbisyo, pagbibigay ng customer service, o pagfa-facilitate ng mga pagbabayad. Dapat umayon ang mga partner na ito sa mga estriktong obligasyon sa paraang konsistent sa Abisong ito at sa mga kasunduang papasukan natin sa kanila.
- Sa mga Advertising Partner. Nagbabahagi kami ng impormasyon sa aming mga third-party advertising partner para bigyan ang aming mga user ng advertising services. Maaaring gamitin ang impormasyong ito ng mga naturang third-party partner para sukatin kung gaano kaepektibo ang mga ad, sa pagpapakita ng mga advertisement sa mga user ng Serbisyo para sa mga nirerekomendang app, produkto, at serbisyo na may mataas na tsansang kainteresan nila (isang gawain na tinatawag na interest-based advertising o behavioral advertising), at para magsagawa ng web analytics para suriin ang traffic at iba pang ad activity para pagandahin pa ang advertising experience.
- Sa mga third party para sa dahilang legal o panseguridad. Maaari kaming magbahagi ng impormasyong tungkol sa iyo kung may makatwiran kaming paniniwala na kailangan ang pagsiwalat ng impormasyon mo para sumunod sa valid na prosesong legal, naaangkop na batas, at regulasyon; mag-imbestiga, remedyohan, o magpatupad ng mga potensiyal na paglabag sa aming Tuntunin sa Paggamit o Abiso sa Privacy; at mag-detect o magresolba ng panloloko o alalahanin sa seguridad.
- Sa mga third party bilang bahagi ng acquisition o liquidation. Kung kabilang kami sa isang merger, asset sale, financing, corporate divestiture, reorganization, o acquisition ng lahat o bahagi ng isang business sa isa pang kompanya o kung magsasagawa kami ng liquidation o mga bankruptcy proceeding, maaari naming ibahagi ang impormasyon mo kaugnay ng mga naturang transaksiyon o proceeding bago at o pagkatapos masara ng transaksiyon o matapos ng mga proceeding. Maaari din kaming magsiwalat ng impormasyon sa pangyayaring may insolvency, bankruptcy, o receivership.
- Nang may pahintulot mo. Maaari kaming magbahagi ng impormasyon sa iba pang mga paraan kapag binigyan mo kami ng pahintulot o inatasan kaming gawin mo.
Paano Kami Gumagamit at Nagbabahagi ng De-identified at/o Aggregated na Impormasyon
Maaaring ma-de-identify at/o i-aggregate ang personal na impormasyon at ibang impormasyon sa paraang tatanggalin ang personally identifying components. Ang de-identified at/o aggregated na impormasyon ay hindi at hindi kailanman ituturing bilang personal na impormasyon at maaari naming gamitin at ibahagi sa mga third party para magbigay ng insights sa pagdevelop at pagpapabuti ng mga produkto o serbisyo, marketing, investment reach o para sa iba pang layunin na pinahihitulutan ng batas. Maaari ding gamitin ng mga third party na ito at isiwalat ang de-identified at/o aggregated na impormasyon para sa sarili nilang business purposes, kabilang ang pag-intindi sa consumer shopping behaviors, investment research, market trends at ibang pagtingin at para sa anumang iba pang layunin na pinahihitulutan ng batas..
Mga Karapatan Mo sa Privacy at Pagpili
Depende kung paano mo gamitin ang Serbisyo, maaaring may karapatan kang humingi ng akses sa, itama, amyendahan, burahin, i-port sa ibang service provider, pigilan, o tanggihan ang ilang paggamit ng personal na impormasyon mo (halimbawa, direct marketing). Hindi ka namin sisingilin ng higit pa o bibigyan ng ibang level ng serbisyo kapag ginawa mo ang alinman sa mga karapatang ito. Gayumpaman, kapag nagkaroon ng mga pagbabago maaari kaming magpanatili ng kopya ng hindi nirebisang impormasyon sa aming mga rekord. Makokontak mo rin kami tungkol sa mga tanong o hiling kaugnay ng iyong personal na impormasyon sa pagpapadala ng email sa [email protected]. Para protektahan ang iyong privacy, bago ka namin bigyan ng akses o payagang mag-update ng impormasyon, hihilingin namin sa iyo na i-verify ang iyong pagkakakilanlan mo o magbigay ng karagdagang impormasyon. Maaari naming tanggihan ang isang hiling para sa ilang dahilan, kabilang ang, halimbawa, kapag nilalagay ng hilinh na naglalagay sa panganib ang privacy ng ibang user, nangangailangan ng technical efforts na hindi tugma sa hiling, paulit-ulit, o ilegal.
Para limitahan ang pangongolekta ng impormasyon mula sa mobile devices, kabilang ang data ng lokasyon, pakibisita ang settings ng device mo para i-set ang “Limit Ad Track,” “Location Based Services,” o ibang katulad na feature sa iyong device. Halimbawa, kung gusto mong umalis sa interest-based advertising ng ilang kompanya, mangyaring bumisita ng industry consumer choice platform tulad ng Network Advertising Initiative (dito) o Digital Advertising Alliance (dito). Maaari ka pa ring makatanggap ng mga ad matapos limitahan ang pagpoproseso ng impormasyon para sa interest-based advertising, ngunit maaaring hindi na gaanong relevant sa mga interes mo ang mga ad na iyon.
Mga Espesipikong Probisyon para sa mga Konsyumer sa EU/UK
Mga International Transfer
Maaari kaming mag-transfer ng ilang personal na data sa U.S. Bagama’t nakikilahok ang AppLovin at nag-certify ng compliance nito sa EU-U.S. Privacy Shield Framework at sa Swiss-U.S. Privacy Shield Framework, bunsod ng hatol ng Court of Justice of the European Union sa Case C-311/18 at kahawig na anunsiyo mula sa Swiss Federal Data Protection and Information Commissioner, hindi kami umaasa sa framework na ito bilang legal na batayan para sa mga pag-transfer ng personal na data sa ilalim ng General Data Protection Regulation. Gayumpaman, nagpapatuloy kami sa pagsunod sa mga prinsipyong ito at umaasa kami sa EU Standard Contractual Clauses at iba pang safeguard para pahintulutan ang mga naturang transfer.
Makabatas na Batayan sa Pagproseso
Sa mga partikular na okasyon, pinoproseso namin ang iyong personal na data kung kinakailangan para sa performance ng isang kontrata kung saan isa kang party, para magbigay ng Serbisyo sa iyo. Maaari din naming iproseso ang iyong personal na data para tumugon sa mga katanungan hinggil sa aming mga produkto at serbisyo.
Sa ibang okasyon, ipoproseso namin ang iyong personal na data kung kinakaialngan ng batas. Maaari din naming iproseso ang iyong personal na data kung kinakailangan para protektahan ang iyong interes o ang interes ng isang third party.
Gayundin, pinoproseso namin ang iyong personal na datakung kinakailangan gawin ito para makaiwas sa panloloko, magpabuti ng aming network at serbisyo, at pagmamarket ng serbisyo namin sa mga advertiser at publisher; kung saan hindi nahihigitan ang mga interes na ito ng iyong karapatan sa proteksiyon ng data.
Kung ang pagproseso ng personal na data ay kinakailangan at walang ibang makabatas na batayan para sa naturang pagproseso, sa pangkalahatan, sisiguraduhin namin na nakuha ang pahintulot mo. May karapatan kang bawiin ang pahintulot mo sa pagproseso ng iyong personal na data anumang oras.
Para sa mga tanong tungkol sa data processing, pakikontak ang aming Data Protection Officer. Bisitahin ang seksiyong “Contact” sa ibaba para sa impormasyon sa pagkontak.
Mga Bata
Hind ginawa ang mga Serbisyo para gamitin ng mga bata (edad 16 o pataas na edad na kinakailangan ayon sa nalalapat na batas). Hindi kami malay na nangongolekta ng personal na impormasyon mula sa mga bata sa pamamagitan ng mga Serbisyo o malay na pinapayagan silang gamitin ang aming mga Serbisyo. Kung malaman namin na hindi sinasadyang nakakolekta ng personal na impormasyon mula sa bata, buburahin namin ang impormasyong iyon. Kung sa tingin namin nakakolekta kami ng personal na impormasyon mula o tungkol sa bata, pakikontak kami sa [email protected].
Mga Karapatan Mo
Kung isa kang indibidwal sa EU/UK, kaya mong:
- Humingi ng akses sa personal na datang mayroon kami sa iyo;
- Hilingin na itama namin o burahin ang iyong personal na data;
- Hilingin na pigilan o i-block namin ang pagproseso sa iyong personal na data;
- Sa ilang mga sirkunstansiya, upang makatanggap ng personal na data tungkol sa iyo na aming tinatagao at ipinapadala sa iba nang walang sagabal sa amin, kabilang ang paghiling na direkta naming ibigay ang iyong personal na data sa iba, hal., karapatan sa data portability; at
- Kung saan kami unang nanghingi ng iyong pahintulot, para bawiin ang pahintulot sa pagproseso ng iyong personal na data.
Para isagawa ang mga karapatang nilarawan sa itaas, mag-email sa amin sa [email protected]. Maging malay na maaaring hindi namin maipagkaloob ang ilang karapatan sa iyo sa ilalim ng ilang sirkunstansiya, tulad ng kung may legal na balakid dito.
Gayundin, may karapatan kang maghain ng reklamo sa amin. Para gawin iyon, kontakin ang namamahalang awtoridad sa iyong bansang tinitirhan.
[DULO NG MGA ESPESIPIKONG PROBISYON NG EU/UK]
Mga Espesipikong Probisyon para sa mga Konsyumer sa California
Naangkop lang ang mga karagdagang probisyon na ito sa mga konsyumer sa California para sa mga indibidwal na nakatira sa California. Nagbibigay ang California Consumer Privacy Act of 2018 (“CCPA”) at California Privacy Rights Act of 2020 (“CPRA”) ng karagdagang karapatan para malaman, maakses, mabura at umayaw, at nangangailangan sa “mga negosyo” na nangongolekta o nagsisiwalat ng personal na impormasyon na mag-abiso at ng paraan para isagawa ang mga kaparatan na iyon.
Ang Iyong Mga Karapatan sa Privacy sa California. Ang mga residente ng California ay mayroon ng mga karapatang nakalista sa ibaba sa ilalim ng CCPA. Gayumpaman, hindi absolute ang mga karapatang ito, at sa ilang kaso maaari naming tanggihan ang hiling mo kung pinapayagan ng batas.
- Impormasyon. Maaari kang humiling ng sumusunod na impormasyon tungkol sa kung paano namin kinolekta at ginamit ang iyong Personal na Impormasyon sa loob ng nagdaang 12 buwan:
- Ang mga kategorya ng Personal na Impormasyong kinolekta namin.
- Ang mga kategorya ng mga pinagmulan kung saan kami nangolekta ng Personal na Impormasyon.
- Ang layuning pangnegosyo o komersiyal para sa pagkolekta at/o pagbebenta ng Personal na Impormasyon.
- Ang mga kategorya ng mga third party kung saan nagsisiwalat kami ng Personal na Impormasyon.
- Ang mga kategorya ng Personal na Impormasyong binenta namin o siniwalat para sa layuning pangnegosyo.
- Ang mga kategorya ng mga third party na pinagbentahan o pinagsiwalatan ng Personal na Impormasyon para sa layuning pangnegosyo.
- Akses. Maaari kang humiling ng kopya ng personal na impormasyong kinolekta namin tungkol sa iyo sa nagdaang 12 buwan;
- Tama. Maaari mong hilingin na itama namin ang anumang impormasyon mo sa iyong account na hindi tumpak, kompleto, o na-update sa pamamagitan ng pagbigay sa amin ng kinakailangang impormasyon para itama ito.
- Pagbura. Maaari mong ipabura sa amin ang Personal na Impormasyong kinolekta namin sa iyo.
- Umayaw sa pagbebenta. Maaari kang umayaw sa anumang pagbebenta ng iyong Personal na Impormasyon.
- Walang Diskriminasyon. Ginawaran ka ng mga karapatang inilarawan sa itaas nang walang diskriminasyon na ipinagbabawal ng CCPA.
Karapatang Umayaw sa Pagbebenta ng Impormasyon
Hindi kami “nagbebenta” ng impormasyon tungkol sa mga user namin na kagaya ng karaniwang pagkakaunawa sa terminong ito. Gayumpaman, konsistent sa karaniwang gawain ng mga kompanya na nag-o-operate online, “nagbabahagi” talaga kami ng impormasyon sa paraang pinapayagan namin ang ilang mga third-party advertising network at iba pang mga third-party business na mangolekta at magsiwalat ng iyong personal na impormasyon direkta mula sa iyong browser o device sa pamamagitan ng cookies o tracking technologies kapag bumisita ka o nakipag-interact sa aming mga website, gumamit ng aming mga app o nakipag-engage sa amin. Ginagamit ng mga third party na ito ang iyong personal na imporasyon para sa mga layunin ng pagsusuri at pag-o-optimize ng aming Serbisyo at mga advertisement sa aming mga website, sa ibang mga website o mobile app, o sa iba pang mga device na maaari mong gamitin, para mag-personalize ng content o magbigay ng mga ad na maaaring mas relevant sa iyong mga itneres, at para magsagawa ng iba pang advertising-related services tulad ng reporting, attribution, analytics at market research.
Paano Isagawa ang Mga Karapatan Mo
Para isagawa ang karapatan mo na malaman, karapatan sa akses, karapatang itama, karapatang magbura, karapatang umayaw sa pagbebenta ng impormasyon, o anumang iba pang karapatan na maaaring mayroon ka sa ilalim ng nalalapat na batas, mangyaring magsumite ng hiling sa pamamagitan ng pag-i-email sa [email protected] o pagsulat sa amin sa pisikal na address sa seksiyong “Contacts” sa ibaba, na may subject line na “California Rights Request” at tukuyin kung aling (mga) karapatan ang gusto mong isagawa (halimbawa, ang iyong karapatang magbura). Kakailanganin naming i-verify ang iyong pagkakakilanlan bago iproseso ang iyong hiling. Para ma-verify ang iyong pagkakakilanlan, sa pangkalahatan kinakailangan mong tumugma sa sapat na impormasyong binigay mo sa amin sa impormasyong itinatago namin sa iyo sa aming mga system. Sa ilang mga sirkunstansiya, maaarin naming tanggihan ang iyong hiling na isagawa ang karapatang inilarawan sa itaas, partikular kung hindi naman ma-verify ang iyong pagkakakilanlan o mahanap ang impormasyon mo sa aming mga system. Kung hindi kami makasunod sa lahat o isang bahagi ng iyong hiling, ipapaliwanag namin ang mga dahilan sa pagtangging sumunod sa hiling.
Sa mga partikular na sirkunstansiya, pinapayagan kang gumamit ng awtorisadong ahente para magsumite ng mga hiling para sa iyo kung saan (i) nagbigay ka ng sapat na ebidensiya para ipakita na ang requestor ay isang awtorisadong ahente na may pasulat na permiso para umaksiyon para sa iyo at (ii) matagumpay mong vinerify ang sarili mong pagkakakilanlan sa amin.
Nilalayon naming tumugon sa hiling ng konsyumer sa loob ng 45 araw matapos na matanggap ang hiling na iyon. Kung kailangan pa namin ng oras, ipapaalam namin sa inyo nang pasulat ang dahilan at tagal ng ektensiyon.
[DULO NG MGA ESPESIPIKONG PROBISYON NG CALIFORNIA]
Ibang mga Site at Serbisyo
Maaaring mag-link sa mga third-party website at Nirerekomendang Apps ang Serbisyo. Hindi kami responsable para sa mga gawaing sa privacy o content ng third-party websites at mobile apps. Kung may mga tanong ka tungkol sa kanilang mga gawain sa privacy, dapat mong rebyuhin ang kanilang mga patakaran at direkta silang kontakin.
Seguridad ng Iyong Impormasyon
Nag-iimplementa kami ng makatwiran at naaangkop na mga technical at organizational measutes para protektahan ang seguridad ng iyong personal na impormasyon laban sa aksidente o ilegal na akses, pagkasira, pagkawala, pagbabago o damage. Gayumpaman, walang impenetrable na security system, at hindi namin magagarantiya ang seguridad ng iyong personal na impormasyon.
Pagpapanatili ng Data
Pinapanatili namin ang datos na kinokolekta namin sa Serbisyo nang hanggang 2 taon. Awtomatikong pinu-purge ang impormasyon sa sistema namin kung hindi nakatanggap ang Serbisyo ng updated na impormasyon para sa isang device sa nagdaang 2 taon. Tandaan na pananatilihin namin ang impormasyon sa mga system namin hangga’t kinakailangan para tumugon sa aming mga legal na obligasyon, magresolba ng pagtatalo, at magpatupad ng mga kasunduan.
Pagta-transfer ng Personal na Impormasyon sa Labas ng Iyong Bansa
Nagtatago kami ng impormasyong kinokolekta namin mula sa iyong device sa aming mga cloud storage provider sa Estados Unidos. Kung gayon, pakitandaan na kung hindi ka nakatira sa Estados Unidos, ililipat namin ang impormasyon mo at itatago ito sa Estados Unidos. Kung ikaw ay nasa European Economic Area, United Kingdom, o Switzerland, ililipat namin ang iyong impormasyon Estados Unidos batay sa Standard Contractual Clauses.
Privacy ng Mga Bata
Hind ginawa ang mga Serbisyo para gamitin ng mga bata (edad 16 o pataas na edad na kinakailangan ayon sa nalalapat na batas). Hindi kami malay na nangongolekta ng personal na impormasyon mula sa mga bata sa pamamagitan ng mga Serbisyo o malay na pinapayagan silang gamitin ang aming mga Serbisyo. Kung malaman namin na hindi sinasadyang nakakolekta ng personal na impormasyon mula sa bata, buburahin namin ang impormasyong iyon. Kung sa tingin namin nakakolekta kami ng personal na impormasyon mula o tungkol sa bata, pakikontak kami sa [email protected].
Mga Pagbabago sa Abisong ito
Nirereserba namin ang karapatang pana-panahon na amyendahan ang Abisong ito. Anumang materyal na pagbabago ay masasalamin ng Abisong ito. Tinutukoy namin ang petsa kung kailangan huling in-update ang Abisongito. Sa patuloy na paggamit ng Serbisyo matapos ang petsa, sumasang-ayon ka sa mga gawain sa privacy na nilalaman ng updated na Abiso.
Paano Kami Kontakin
Kung may mga tanong o komento ka tungkol sa Abisong ito, mangyaring sulatan kami sa:
Data Protection Officer
AppLovin Corporation
1100 Page Mill Road
Palo Alto, CA 94304
Maaari mo rin kaming kontakin sa email sa [email protected].