AppLovin Legal Information
AppLovin provides this translation as a courtesy. In the event of any conflict with the English version, the English version controls.

AppLovin Array Tuntunin ng Serbisyo


Mga Nilalaman

Huling In-update: Mayo 19, 2023

Ang mga Tuntunin sa Serbisyo (ang “Tuntunin”) na ito at ang aming Patakaran sa Pagkapribado na mababasa sa https://legal.applovin.com/array-privacy-policy-fil/ ang namamahala sa ugnayan mo at ng AppLovin Corporation (“AppLovin”, “namin”, “amin”, “kami”) kaugnay sa anumang paraan sa paggamit mo sa aming Serbisyo. Nangangahulugan ang “Serbisyo” ng device pre-load services ng AppLovin na kilala bilang “Array” na awtomatikong nag-o-organisa ng mga preinstalled app batay sa kategorya at nagrerekomenda ng mga app na angkop para sa iyo batay sa iyong mga kagustuhan, at anumang kagunay na serbisyo at content. 

1. Kasunduan sa Tuntunin 

Sa paggamit ng aming Serbisyo, sumasang-ayon ka na mapasailalim sa mga Tuntunin na ito at ng aming Patakaran sa Pagkapribado. Kung hindi ka sang-ayon sa Tuntunin na ito at sa aming Patakaran sa Pagkapribado, huwag gamitin ang aming Serbisyo. 

NAGLALAMAN ANG SEKSIYON 17 NG MGA TUNTUNIN SA SERBISYO NA ITO NG BINDING ARBITRATION AGREEMENT AT CLASS ACTION AND REPRESENTATIVE ACTION WAIVER NA INAALIS ANG KARAPATAN MO SA PAGDINIG SA KORTE O JURY TRIAL.

2. Mga Pagbabago sa Tuntunin o Serbisyo 

Maaari naming baguhin ang mga Tuntunin anumang oras, sa sarili naming pagpapasya. Kung ginawa namin ito, ipapaalam namin sa iyo alinman sa pag-post ng binagong Tuntunin sa Site o sa iba pang komunikasyon sa pamamagitan ng Serbisyo. Mahalaga na rebyuhin mo ang Tuntunin tuwing binabago namin ito dahil kapag nagpatuloy ka sa paggamit ng Serbisyo matapos kaming mag-post ng binagong Tuntunin sa Site o sa pamamagitan ng Serbisyo, indikasyon ito na sang-ayon kang mapasailalim sa binagong Tuntunin. Kung hindi ka sumasang-ayon na mapasailalim sa binagong Tuntunin, hindi mo na maaaring gamitin ang Site o ang Serbisyo. Dahil nagbabago ang Serbisyo sa paglipas ng panahon maaari kaming magbago o itigil lahat o anumang bahagi ng Serbisyo, anumang oras at nang walang abiso, sa sarili naming pagpapasya. 

3. Limitadong Lisensiya; Sino ang Maaaring Gumamit ng Serbisyo

3.1 Limited License Grant.  Alinsunod sa kasunduan mo at sa nagpapatuloy na pagtupad sa Tuntunin na ito, pinagkakalooban ka namin ng non-exclusive, non-transferable, non-sublicensable, revocable na limitadong lisensiya para maakses at magamit ang Serbisyo para sa sarili mong hindi komersiyal na layuning sa paglilibang. Sumasang-ayon ka na hindi gamitin ang Serbisyo na ito para sa anumang ibang layunin.

3.2 Eligibility – Maaari mo lang gamitin ang Serbisyo kung ikaw ay 16 taong gulang o pataas at hindi pinagbabawalan gumamit ng Serbisyo sa ilalim ng naaangkop na batas. 

Kung mas bata ka sa edad 18, o mas bata sa edad ng nakararami kung saan ka nakatira, irerepresenta mo na nirebyu at sinang-ayunan ng iyong legal guardian ang Tuntunin na ito. 

Hindi mo maaaring gamitin ang Serbisyo kung hindi ka pinahihintulutang matanggap ang mga produkto, kabilang ang mga serbisyo o software, mula sa Estados Unidos, halimbawa kung matatagpuan ka sa bansa na inembargo ng Estador Unidos o kung nasa listahan ka ng Specially Designated Nationals ng U.S. Treasury Department.

3.3 Rehistrasyon at Iyong Impormasyon mo – Mahalaga na ibigay mo sa amin ang tumpak, kompleto, at updated mong impormasyon para sa iyong account at sumasang-ayon kang i-update impormasyon na ito, kung kinakailangan, upang mapanatiling tumpak, kompleto, at updated. Kung hindi, kakailanganin naming suspendihin o tapusin ang account mo. Sumasang-ayon ka na hindi mo isisiwalat ang password ng iyong account password mo sa kahit sino at aabisuhan mo kami agad sa anumang di-awtorisadong paggamit ng iyong account. Ikaw ang responsable para sa lahat ng aktibidad na mangyayari sa iyong account, alam mo man ang ito o hindi. 

4. Karapatan sa Pagmamay-aring intelektwal

Maliban sa limitadong lisensiya na ipinagkaloob sa taas, nananatili sa amin at sa mga licensor namin ang karapatan, titulo, at interes sa lahat ng Serbisyo, kabilang ang teknolohiya at software na ginagamit para magbigay ng Serbisyo. Pinoprotektahan ang Serbisyo na ito ng karapatang-ari, trademark at iba pang mga batas. Kapag nilabag mo ang Tuntunin na ito, maaaring lumalabag ka sa batas, kabilang ang paglabas sa karapatan sa pagmamay-aring intelektwal. Aktibo naming poprotektahan ang aming mga karapatan sa pagmamay-aring intelektwal, kami at aming mga licensor, sa pangyayayaring lalabagin mo ang Tuntunin (kabilang ang pagtamo ng injunctive relief). Dagdag pa rito, sumasang-ayon ka na hindi bababaguhin, gagawa ng derivative work ng, mag-decompile, o kaya subukang mag-extract ng source code mula sa Serbisyo.

Kapag nagbigay ka sa amin ng anumang suhestiyon para sa pagpapabuti o feedback hinggil sa Serbisyo, sumasang-ayon ka na magkakaroon kami ng walang-hanggang, nalilipat, sub-licensable, walang royalty, hindi mababawi, pandaigdigang lisensiya na gamitin ang mga suhestiyon at feedback na ito, kabilang ang pag-incorporate ng mga suhestiyon at feedback sa Serbisyo, nang walang obligasyon na bayaran ka. Hanggang sa lawig na pinapagayan ng naaangkop na batas, tinatalikuran mo ang anumang moral na karapatan na mayroon ka sa mga naturang suhestiyon at feedback.

5. Patakaran sa Pagkapribado 

Mangyaring konsultahin ang Patakaran sa Pagkapribado na available sa https://legal.applovin.com/g-0021-adps-privacy-policy-fil para sa impormasyon hinggil sa pagkolekta, paggamit at pagsiwalat namin ng impormasyon mula sa iyo, iyong kompyuter at mobile device. Naiintindihan mo na sa paggamit mo ng aming Serbisyo kinikilala mo ang pagkalap, paggamit at pagbahagi ng impormasyong ito gaya ng deskripsiyon sa Patakaran sa Pagkapribado. Kung hindi ka sang-ayon sa Patakaran sa Pagkapribado, dapat mong tigilan ang paggamit sa Serbisyo. Ang mga apps na ii-install mo ay maaaring mangailangan ng akses sa ilang device at usage data. Bago mag-install ng app, hinihikayat ka namin na rebyuhin ang mga pahintulot at patakaran sa pagkapribado ng app na ginawang available ng app provider. Ang paggamit at interaksiyon mo sa app ay nakasailalim sa mga tuntunin sa serbisyo/paggamit nito at patakaran sa pagkapribado.

6. AppLovin Array 

6.1 Pangkalahatan.  Awtomatikong kina-categorize at ino-organize ng Serbisyo ang mga preinstalled apps at nagbibigay ng mga rekomendasyon ng mga apps na ginagawang available ng aming mga partner at third parties, na maaaring umangkop sa iyong mga interes at mga preperensiya na tinukoy mo sa Serbisyo (“Mga Nirerekomendang Apps”). Maaari kang matuto pa tungkol sa Mga Nirerekomendang Apps sa pamamagitan ng pag-click sa mga ito, at maaaring i-download o i-install ang mga ito sa iyong device sa pamamagitan ng pag-check o pag-deselect sa (mga) box, kung applicable. Kung hindi ka interesado na mag-download o mag-install ng anuman o ng lahat ng mga Nirerekomendang Apps, mangyaring huwag mag-check ng mga applicable na boxes, o tanggalin ang check sa mga naturang preselected na boxes. Maaaring mong i-uninstall ang mga applications na ito anumang oras. Para i-exit ang app recommendation screen, pindutin ang close o katulad na aksiyon. Maaaring magdulot ng singil sa iyong phone ang pagda-download ng app kung hindi ka naka-connect sa Wi-Fi.

6.2 Pag-uninstall ng mga App.  Maaari kang mag-uninstall ng apps na na-install sa pamamagitan ng Serbisyo: Para alisin ang apps, pumunta sa Settings > Apps o Application Manager. Kakailanganin mong mag-swipe pakanan o kaliwa para mahanap ang app. Pagkatapos, pindutin ang app na gusto mong i-uninstall.

6.3 Mga Update sa Serbisyo at Nirerekomendang Apps. Paminsan-minsan, maaaring awtomatikong mag-download o mag-install ang Serbisyo ng mga update na mula sa amin. Dinisenyo ang mga update na ito para pagbutihin, paghusayin at buuin pa ang karanasan sa Serbisyo at/o Nirerekomendang Apps at maaaring nasa anyo ng mga bug fix, pinahusay na function, at software update. Sumasang-ayon kang makatanggap ng mga update na iyon bilang bahagi ng paggamit sa Serbisyo.

6.4 Pagtanggi sa mga Notipikasyon at Serbisyo.  Bilang bahagi ng Serbisyo, nag-aalok kami ng mga rekomendasyon at maaaring magpadala sa iyo ng smart notifications ng anumang mga available na applications na maaaring kainteresan mo at/o mga updates sa mga third-party applications na pipiliin mong i-install. Maaari kang tumanggi sa higit pang mga notipikasyon kaugnay ng Serbisyo sa pagpindot ng ‘opt-out’ sa settings ng notipikasyon. Maaari mong i-disable ang Serbisyo sa pag-off nito sa pamamagitan ng standard procedures ng iyong device.

6.5 Iyong Mobile Device Settings.  Bilang bahagi ng paggamit sa Serbisyo, maaaring mabago ang mobile device settings mo. Sa paggamit ng Serbisyo, sumasang-ayon ka na inaprubahan mo ang mga pagbabagong iyon. Maaari kang payagan ng Serbisyo na i-reconfigure ang settings na iyon anumang oras mula sa opsyon sa kompigurasyon na mayroon sa mobile device mo. Maaaring mapabilang sa mga pagbabagong iyon, nang walang limitasyon, ang pagpayag sa mga software update ng Serbisyo kapag naglabas ng bagong bersiyon, pagpayag sa amin na magpadala ng mga notipikasyon at iakses ang location-based na impormasyon.

6.6 Paggamit ng Nirerekomendang Apps. Para sa anumang Nirerekomendang Apps na mada-download at mai-install sa device mo sa paggamit ng Serbisyo, kinikilala mo at sumasang-ayon ka na ang paggamit mo ng mga app na iyon ay mapapasailalim sa kaugnay na tuntunin sa serbisyo/paggamit at patakaran sa pagkapribado. Hinihikayat ka namin na rebyuhin ang mga tuntunin sa serbisyo/paggamit at patakaran sa pagkapribado.

7. Code of Conduct at Aming Karapatan sa Pagpapatupad 

7.1 Code of Conduct.  

Kapag inakses o ginamit ang Serbisyo, sinasang-ayunan mo na hindi ka: 

  • Lalabag sa anumang batas, tuntunin o regulasyon.
  • Magdi-dissamble, magde-decompile o kaya magre-reverse engineer ng anumang bahagi ng Serbisyo na nasa object code, o payagan o mag-awtorisa ng third party na gawin iyon, maliban sa lawig na hayagang pinapayagan ang mga naturang aktibidad ng batas sa kabila ng pagbabawal na ito.
  • Mangialam o manggulo sa paggamit ng ibang user sa Serbisyo. 
  • Magkunwari na ibang tao o magsinungaling na isa kang empleyado o kinatawan ng AppLovin.
  • Gamitin sa maling paraan ang buttons ng support o buttons sa pagrereklamo o gumawa ng mga pekeng report sa AppLovin staff.
  • Sumubok na kumuha, o mang-phish ng, password, impormasyon account, o iba pang pribadong impormasyon mula sa sinuman sa Serbisyo.
  • Gumamit ng anumang paraan sa pagbayad para ma-akses o bumili ng Serbisyo para sa panloloko, nang walang pahintulot sa awtorisadong may-ari, o kaya kaugnay ng kriminal na paglabag o iba pang ilegal na aktibidad.
  • Gumamit ng anumang robot, spider o iba pang automated device o proseso para ma-akses ng Serbisyo sa anumang layunin. 
  • Gumamit o magpakalat ng di-awtorisadong software programs o tools, gaya ng “auto” software programs, “macro” software programs, “cheat utility” software program o applications, exploits, cheats, or anupamang pangha-hack, pagbabago o cheating software o tool.
  • Magbago ng file o anumang bahagi ng Serbisyo na hindi ka partikular na inawtorisa ng AppLovin na baguhin.
  • Gumamit ng mga exploit, cheats, undocumented features, design errors o problema sa Serbisyo.
  • Gumamit o magpakalat ng pekeng software o content, kabilang ang virtual goods.
  • Sumubok na gumamit ng aming Serbisyo sa anumang serbisyo na hindi kontrolado o inawtorisa ng AppLovin.
  • Gamitin ang aming Serbisyo sa bansa kung saan pinagbabawalan ang AppLovin na magkaloob ng naturang serbisyo sa ilalim ng naaangkop na batas sa pagkontrol ng eksport.
  • Kung kinakailangan ka ng Serbisyo na gumamit ng “user name” o “persona” para magrepresenta, hindi mo dapat gamitin ang totoong pangalan mo at hindi ka dapat gumamit ng user name o persona na ginagamit ng iba o na tinutukoy ng AppLovin bilang bulgar o bastos o lumalabag sa karapatan ng iba.
  • Lumahok sa anumang ibang aktibidad na kapansin-pansin ang panggugulo sa mapayapa, patas, at marespetong kapaligiran ng aming Serbisyo.
  • Mangialam o manggulo sa Serbisyo o anumang server o network na ginagamit para sumuporta o magbigay ng Serbisyo, kabilang ang pangha-hack o pag-crack sa Serbisyo.
  • Gumamit ng software o program na nakakasira, nangingialam o nanggugulo sa Serbisyo o iba pang computer o ari-arian, gaya ng denial of service attacks, spamming, pangha-hack, o pag-upload ng computer virus, worms, Trojan horses, cancelbots, spyware, corrupted files at time bombs.
  • Magtaguyod, o manghikayat na sumali sa anumang ipinagbabawal na aktibidad sa deskripsiyon sa itaas.

7.2 Ang kabiguang tumupad sa Code of Conduct na ito ay maaaring magresulta sa pagkasuspinde ng iyong account at akses sa Serbisyo, at/o ipasailalim ka sa anumang penalty na tinukoy sa Seksiyon 10.

8. DMCA/Copyright Policy

Nirerespeto namin ang karapatan sa pagmamay-aring intelektwal ng iba at hinihiling din naming gawin mo ito. Tumutugon kami sa mga abiso ng pinaghihinalaang paglabag sa karapatang-ari alinsunod sa US Digital Millennium Copyright Act (“DMCA”) at katulad o katumbas na ibang lokal na batas na naaangkop. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring pumunta sa aming Pahina ng Karapatang-ari sa aming Site para rebyuhin ang mga gabay sa notipikasyon. Nakareserba sa amin ang karapatang tapusin ang akses ng sinumang user sa Serbisyo kung aming matukoy na isa siyang “repeat infringer.” Hindi namin kailangang abisuhan ang user bago ito gawin.

9. Mga Link sa mga Third Party Website o Sanggunian 

Maaaring maglaman ang Serbisyo ng mga link sa third-party websites o resources. Magbibigay kami ng mga link na ito para sa kaginahawaan at hindi kami responsable para sa content, mga produkto o serbisyo na nasa o available mula sa mga website na iyon o sangguniano mga link na naka-display sa mga naturang website. Kinikilala mo ang tanging responsibilidad para at ipinagpapalagay lahat ng panganib na magmumula sa paggamit mo ng anumang third-party websites o sanggunian. 

10. Pagtatapos 

Maaari naming tapusin ang iyong akses at paggamit ng Serbisyo, sa sarili naming pagpapasya, sa anumang oras nang walang abiso sa iyo. Sa pagtatapos, hindi pagpapatuloy o kanselasyon ng Serbisyo o iyong account, lahat ng probisyon sa Tuntunin na ito na dapat manatili sa katangian nito ay mananatili, kabilang ang, nang walang limitasyon, ang probisyon sa pagmamay-ari, pagtakwil sa warranty, limitasyon ng pananagutan, at probisyon sa paglutas ng mga pagtatalo. 

11. Indemnity 

Kapag lumabag ka sa batas o sumuway sa Tuntunin na ito, at ang paglabag mo o pagsuway ay nagresulta sa kawalan o pinsala o isang claim o pananagutan laban sa amin, sumasang-ayon ka na siguruhin, depensahan at ituring kaming walang kasalanan mula sa (ibig sabihin sang-ayon kang bayaran kami para sa) pagkawala, pinsala, claim o pananagutan, kabilang ang legal na bayarin at gastusin. Maaari kaming kumuha ng eksklusibong charge ng depensa sa anumang legal na aksiyon kung saan kinakailangan mo kaming isiguro sa ilalim ng seksiyon na ito, sa iyong gastos. Sang-ayon kang makikipagtulungan sa aming depensa sa mga aksiyon na ito. Gagamit kami ng makatwirang pagsisikap para abisuhan ka ng anumang claim kung saan obligado kang siguruhin kami. 

12. Warranty Disclaimers

ANG MGA SERBISYO AT CONTENT AY IBINIGAY NA “AS IS,” NANG WALANG ANUMANG URI NG WARRANTY. NANG WALANG PAGLILIMITA SA PAHAYAG SA ITAAS, HAYAGAN NAMING TINATANGGI ANG ANUMANG WARRANTY NG KALIDAD NA MAAARING IBENTA, FITNESS PARA SA PARTIKULAR NA LAYUNIN, TAHIMIK NA ENJOYMENT, HINDI PAGLABAG O AVAILABILITY, AT ANUMANG WARRANTY NA MAGMUMULA SA PAKIKIPAG-DEAL O PAGGAMIT NG TRADE. WALA KAMING WARRANTY NA ANG SERBISYO AY TUTUGON SA IYONG PANGANGAILANGAN O MAGIGING AVAILABLE NANG WALANG SAGABAL, NANG LIGTAS, O NANG WALANG MALI. WALA KAMING WARRANTY HINGGIL SA KALIDAD, KATUMPAKAN, PAGKAPANAHON, PAGKATOTOO, PAGKAKOMPLETO O PAGKAMAAASAHAN NG ANUMANG CONTENT NA MAKIKITA SA SERBISYO. 

13. Limitasyon ng Liability 

KINIKILALA MO NA KAMI O SINUMANG PARTY NA KASANGKOT SA PAGGAWA, PAGLIKHA, O PAGHATID NG SERBISYO AY HINDI MANANAGOT SA ANUMANG NAGKATAON, ESPESYAL, EXEMPLARY, O HINDI SINASADYANG PINSALA, KABILANG ANG NAWALANG KITA, KAWALAN NG DATA O GOODWILL, PAGTIGIL NG SERBISYO, PAGKASIRA NG KOMPYUTER O SYSTEM FAILURE O ANG GASTOS SA KAPALIT NA SERBISYO NA MAGMUMULA SA O KAGUNAY NG TUNTUNIN NA ITO O MULA SA PAGGAMIT O NG HINDI PAGKAKAGAMIT SA SERBISYO, BATAY MAN SA WARRANTY, KONTRATA, TORT (KABILANG ANG KAPABAYAAN), PANANAGUTAN SA O ANUMANG IBANG LEGAL NA TEORYA, AT KUNG NAIPAALAM MAN SA AMIN O HINDI ANG POSIBILIDAD NG NATURANG PINSALA, KAHIT NA MAY LIMITADONG REMEDYO NA NAITAKDA AY NAPAG-ALAMANG NABIGO SA ESENSIYAL NITONG LAYUNIN. HINDI PINAPAYAGAN NG ILANG HURISDIKSIYON ANG EKSKLUSYON O LIMITASYON NG PANANAGUTAN PARA SA CONSEQUENTIAL O NAGKATAONG PINSALA, KAYA ANG LIMITASYON SA ITAAS AY MAAARING HINDI ANGKOP SA IYO. 

SA MAXIMUM NA LAWIG NA PINAPAYAGAN SA ILALIM NA NAAANGKOP NA BATAS, ANG KABUUANG LIABILITY NG APPLOVIN AY LIMITADO SA KABUUANG HALAGA NG BINAYAD MO SA AMIN SA ANIM (6) NA BUWANG BAGO MISMO ANG PETSA NG UNA MONG PAGHAYAG NG ANUMANG CLAIM. KUNG HINDI KA PA NAGBAYAD SA APPLOVIN NG ANUMANG HALAGASA NASABING ANIM (6) NA BUWAN, ANG TANGI AT EKSKLUSIBO MONG REMEDYO SA ANUMANG PAGTUTOL SA APPLOVIN AY ANG PAGTIGIL NA GUMAMIT NG SERBISYO AT IKANSELA ANG IYONG ACCOUNT KUNG MAYROON.  

May mga partikular na hurisdiksiyong hindi pumapayag sa ilang eksklusyon ng mga partikular na warranty at liability na itinakda sa itaas. Sa ganitong dahilan, maaaring hindi naaangkop sa iyo ang mga limitasyon at pagtanggi sa itaas, at baka may karagdagan kang karapatan. Ayon sa naaangkop na batas, maaari naming tanggihan ang anumang warranty o limitahan ang pananagutan nito gaya ng naitakda, ang saklaw ng naturang warranty at ang lawig ng aming pananagutan ay magiging ang minimum na pinapayagan sa ilalim ng naturang naaangkop na batas. 

14. Limitasyon sa Oras ng mga Claim

Sumasang-ayon ka na ang anumang claim na magmumula sa o kaugnay ng relasyon mo sa amin ay dapat i-file sa loob ng isang taon matapos lumitaw ang naturang claim; kung hindi, permanenteng pipigilan ang claim mo.  

15. Namamayaning Batas at Lugar

Ang Tuntunin na ito at anumang aksiyon na kaugnay ay nakapasailalim ng batas ng Estado ng California nang walang pagtanaw sa pagpili ng batas o tunggalian sa prinsipyo ng batas. 

Higit pa rito, ikaw at ako ay sumasang-ayon sa hurisdiksiyon ng mga korte sa Santa Clara Country, California upang magresolba ng anumang hindi pagkakaunawaa, claim, o kontrobersiya na kaugnay o magmumula kaugnay ng Serbisyo (at anumang mga non-contractual dispute/claim kaugnay o magmumula kaugnay sa mga ito).  

16. Paglutas ng Hind Pagkakaunawaan

Kung nagkakaproblema ka sa Serbisyo, maraming isyu ang nareresolba sa isa sa aming mga forum. Makakahanap ka ng resolusyon sa pagklik ng link na “Support” o “Contact Us” sa Serbisyo sa settings o sa email [email protected]. Bago simulan ang anumang arbitrasyon o pagding sa korte, makipag-ugnayan muna sa aming support team para matugunan ang isyu. Ganoon nareresolba ang karamihan ng mga pagtutol. 

17. Kasunduan na Mag-arbitrate; Pagwaksi sa Class Action at Representative Action

BASAHING MABUTI ANG SEKSIYONG ITO.  MAY EPEKTO ITO SA MGA KARAPATAN MO AT KABILANG DITO ANG PAGTANGGI NG TRIAL BY JURY SA ISANG KORTE AT ANG ABILIDAD NA MAGKAROON NG CLASS ACTION O REPRESENTATIVE ACTION.

Pangkalahatang Ideya

Sa pangyayari na may anumang kontrobersiya o claim na magmumula sa o kaugnay ng Tuntunin, kabilang ang anumang pagkuwestiyon sa pag-iral nito, pagiging balido, pagtatapos o pagsuway niyon, o ang paggamit mo ng Serbisyo, kailangang konsultahin ng mga partido ang isa’t isa, makipagnegosasyon at kilalanin ang interes ng bawat, isa at subukang magkaroon ng kasiya-siyang solusyon.  Karamihan ng mga inaalala ng user ay nareresolba sa pamamagitan ng pagkontak sa aming customer support team sa [email protected]. Sa hindi inaasahang pangyayari na hindi namin maresolba ang iyong mga problema at nananatili ang pagtutol, ipapaliwanag ng Seksiyong ito kung paano tayo magkakasundo na resolbahin ito.  Gaya ng mas detalyadong paliwanag sa ibaba, nagkakasundo tayo na resolbahin ang anumang pagtutol sa pamamagitan ng binding arbitration o small claims court sa halip na sa korte ng pangkalahatang hurisdiksiyon.

Pag-alis

Naaangkop ang Seksiyon 17 sa maximum na lawig na pinapayagan ng naaangkop na batas.  Sa pangyayari na anumang bahagi ng Seksiyon 17 ay ituturing na ilegal o hindi maipapatupad, ang naturang probisyon ay aalisin at ang natitira sa Seksiyon 17 ang may buong puwersa at epekto.  

Kung may determination na ang naaangkop na batas humahadlang sa arbitrasyon ng anumang claim, cause of action o hinihiling na remedyo, kung gayon ang claim, cause of action o hinihiling na remedyo, ay aalisin mula sa kasunduang ito para mag-arbitrate at dadalhin sa korte na may maaasahang hurisdiksiyon.  Sa pangyayari na may claim, cause of action o hinihiling na remedyo ay inalis para tumugon sa talatang ito, kung gayon nagkakasunod tayo na ang mga claim, cause of action o hinihiling na remedyo na hindi nakasailalim sa arbitrasyon ay mananatili hanggang lahat ng arbitrate claim, cause of action at hinihiling na remedyo ay maresolba ng arbitrator.

Kasunduang Mag-arbitrate; Pagtatangi

Kung hindi maresolba ang ating hindi pagkkaunawaan sa pamamagitan ng customer support, NAGKAKASUNDO TAYO NA RESOLBAHIN ANG LAHAT NG PAGTUTOL AT CLAIM SA PAGITAN NAMIN SA INDIVIDUAL BINDING ARBITRATION, KABILANG ANG MGA CLAIM NA MAY KINALAMAN SA ANUMANG ASPEKTO NG RELASYON SA AMIN, PAGGAMIT MO NG SERBISYO, ANUMANG CONTENT, O NG IYONG ACCOUNT.  Intensiyon ng Kasunduang Mag-arbitrate na ito na magkaroon ng malawak na interpretasyon, at naaangkop sa lahat ng legal claims sa ilalim ng anumang legal na teorya (mapabatay sa kontrata, tort, statute, panloloko, maling representasyon, o anumang ibang legal na teorya), at naaangkop sa anumang mga pagtutol o claim na igigiit mo o magmumula kahit matapos mo gamitin ang Serbisyo o burahin ang account para sa Serbisyo. Naaangkop ang Kasunduang Mag-arbitrate na ito sa anumang mga claim na kasalukuyang paksa ng purported class action litigation kung saan hindi ka miyembro ng isang certified class.  Nagkakasundo tayo na ang arbitrator ang dapat magkaroon ng eksklusibong awtoridad na magresolba ng anumang pagtutol kaugnay ng interpretasyon, kaugnayan o pagpapatupad ng mga tuntunin o pagbuo ng kontratang ito, kabilang kung ang anumang pagtutol sa amin ay nakasailalim sa Kasunduang Mag-arbitrate na ito (hal., ang arbitrator ang magdedesisyon hinggil sa arbitrability ng anumang pagtutol) at kung lahat o anumang bahagi ng mga tuntunin na ito ay void o maaaring ma-void.

Ang arbitrasyon ay isang pagdinig sa harap ng neutral arbitrator, sa halip na sa huwes o jury.  Hindi kasing pormal ng isang lawsuit sa korte ang arbitrasyon, at nagbibigay ng limitadong pagkatuklas.  Naiiba sa mga pagdinig sa korte ang mga tuntuning sinusundan nito, at nakasailalim sa napakalimitadong rebyu ng mga korte.  Maglalabas ang arbitrator ng pasulat na desisyon at magbibigay ng pahayag ng mga dahilan kung hihilingin ng alinmang partido.  NAIINTINDIHAN MO NA ISINUSUKO NATIN PAREHAS ANG KARAPATAN NA MAGHABLA NG KASO SA KORTE AT ANG KARAPATAN NA MAGKAROON NG PAGLILITIS SA HARAP NG HUWES O JURY.

Gayumpaman, ang Seksiyon 17 na ito ay hindi naaangkop sa mga sumusunod na uri ng claim o pagtutol na maaari nating dalhin sa korte alinsunod sa Seksiyon 17 sa itaas: 

(1) mga claim ng paglabag o ibang maling paggamit ng karapatan sa pagmamay-aring intelektwal, kabilang ang naturang mga claim na nagtatamo ng injunctive relief; at

(2) mga claim para sa preliminary injunctive relief para sa mga paglabag ng Seksiyon 3 at 7 dito.

Ang Seksiyon na ito ay hindi pumipigil sa iyo sa pagdadala ng iyong pagtutol sa federal, estado, o lokal na ahensiya ng gobyerno na, kung pinapagayan ng batas, hahanap ng relief mula sa amin para sa iyo.  Gayundin, sinuman sa atin ay maaaring magdala ng claim sa small claims court alinman sa Santa Clara County, California o ang county na tinitirhan mo, o iba pang lugar na pagkakasunduan natin, kung ang mga naturang claim ay tumutupad sa mga pangangailangan na dadalhin sa korteng iyon.

Naaangkop ang Federal Arbitration Act sa Seksiyon 17 na ito.  Ang arbitrasyon ay mapapasailalim sa Consumer Arbitration Rules (ang “Alituntunin”) ng American Arbitration Association (“AAA”) (kabilang ang Alituntunin 1(g) ng mga Alituntunin na iyon na nagbibigay ng arbitrasyon sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga dokumento lang/desk arbitration kung saan walang mga isiniwalat na claim o counterclaim na lalampas $25,000), sa pagbabago ng Tuntunin.  Available ang mga tuntunin sa https://adr.org/.  Mapapasailalim ang arbitrator sa Tuntunin na ito.

Para magsimula ng arbitration proceeding, gamitin ang form sa website ng AAA (https://adr.org/) o tawagan ang AAA sa 1-800-778-7879.

Anumang arbitrasyon sa ilalim ng seksiyong ito na kinakailangang maganap sa personal ay isasagawa alinsunod sa Tuntunin, na nagsasabing ang mga personal na pagdinig ay dapat ganapin sa lokasyon na kumbinyente para sa parehong panig nang may konsiderasyon para sa kakayahan nilang bumiyahe at iba pang kaugnay na sirkunstansiya.   

Kung ang claim mo ay mas mababa sa US$25,000, sang-ayon kami na bayaran ang iyong filing fee kaagad matapos maabisuhan ng pag-file, o bayaran ito para sa iyo kung hindi mo kayang bayaran at nakatanggap kami ng lihamna kahilingan mula sa iyo.  Gayundin, kung ang claim mo ay mas mababa sa US$25,000, sang-ayon kami na bayaran ang bahagi mo sa gastos ng arbitrasyon, kabilang ang bahagi mo sa bayarin sa arbitrator, sa pagtatapos ng pagdinig, maliban kung matutukoy ng arbitrator na hindi seryoso ang mga iyong claim at ang mga gastos ay di-makatwiran na tinukoy ng arbitrator.  Kung humihingi ka ng higit US$25,000, ang gastos sa arbitrasyon, kabilang ang arbitrator compensation ay hahatiin sa pagitan nating dalawa ayon sa Tuntunin.  Anupaman ang amount na hinahanap mo, walang partido ang may karapatan na ipabayad sa kabilang partido ang singil ng mga abogado at gastos na binayad ng kabilang partido, gayumpaman, alinmang party ay puwedeng sumubok ipabawi ang singil ng mga abogado at gastos sa arbitrasyon kung matutukoy ng arbitrator na ang mga claim (o counterclaim) ng kabilang partido ay hindi seryoso o na di-makatwiran ang mga gastos ng kabilang partido.

Para sa mga User na di-taga-US:

Sa pangyayari na may anumang kontrobersiya o claim na magmumula sa o kaugnay ng Tuntunin, kabilang ang anumang pagkuwestiyon sa pag-iral nito, pagiging balido, pagtatapos o pagsuway niyon, kailangang konsultahin ng mga partido ang isa’t isa at makipagnegosasyon at, kilalanin ang interes ng bawat isa, at subukang magkaroon ng kasiya-siyang solusyon. Kung hindi sila magkakaareglo sa loob ng 60 araw, sa abiso ng alinmang partido sa (mga) iba, anumang di-naresolbang kontroberisya o claim ay aaregluhan sa arbitrasyon na pamumunuan ng International Centre for Dispute Resolution (“ICDR”) (www.icdr.org) alinsunod sa mga probisyon ng International Arbitration Rules nito. Ang lugar ng arbitrasyon ay sa London, England.  Ang bilang ng mga arbitrator ay isa. Ang wikang gagamitin sa mga arbitral proceeding ay Ingles. Maliban kung kinakailangan ng batas, wala sa alinmang partido o mga kinatawan nito ang maaaring magsiwalat ang pag-iral, content, o mga resulta ng anumang arbitration mula rito nang walang paunang liham na permiso ng AppLovin. Ang European Union ay nagpapatakbo rin ng online dispute resolution platform na makikita sa www.ec.europa.eu/consumers/odr.

Pagwaksi sa Class Action at Representative Action

Para sa mga pagtutol sa pagitan natin, o ng sinumang user, nagkakasundo tayo na puwede lang tayong magkaroon ng claim laban sa isa’t sa indibidwal na batayan. WALA SINUMAN SA ATIN ANG MAAARING MAGHAIN NG CLAIM BILANG PLAINTIFF O CLASS MEMBER SA ISANG CLASS ACTION, CLASS-WIDE ARBITRATION, CONSOLIDATED ACTION, O REPRESENTATIVE ACTION.  ANG ARBITRATOR AY HINDI MAAARING MAGSAMA NG CLAIM NG HIGIT SA ISANG TAO SA ISANG KASO, AT HINDI MAAARING MAGMUNO SA ANUMANG CONSOLIDATED, CLASS, O REPRESENTATIVE ARBITRATION NA PAGDINIG, MALIBAN KUNG MAGKAKASUNDO TAYO NA MAGING GANITO SA NANG NAKASULAT.  GAYUMPAMAN, KUNG MAY ANUMANG BAHAGI NGWAIVER NG CLASS ACTION O REPRESENTATIVE ACTION NA ITO AY MAIPAGPAPALAGAY NA HINDI MAIPAPATUAD O HINDI BALIDO, MAGKAKAROON NG AWTORIDAD ANG ARBITRATOR NA MAG-ISYU NG ANUMAN AT LAHAT NG REMEDYONG INA-AWTORISA NG BATAS. 

NAIINTINDIHAN MO NA MAYROON KA SANANG KARAPATAN NA MAG-LITIGATE SA PAMAMAGITAN NG KORTE, NA MAGKAROON NG HUWES O JURY NA MAGDEDESISYON SA KASO AT MAGING PARTY SA CLASS O REPRESENTATIVE ACTION. GAYUMPAMAN, NAIINTINDIHAN AT PINIPILI MO NA DESISYONAN ANG ANUMANG MGA CLAIM NG INDIBIDWAL AT SA PAMAMAGITAN LAMANG NG ARBITRASYON. 

Serbisyo ng Proseso

Para magsimula ng arbitrasyon o anumang legal na pagdiniglaban sa amin, kailangan mong magkaloob ng panimulang dokumento sa aming rehistradong ahente sa: Corporation Service Company, 251 Little Falls Drive, Wilmington Delaware 19808.  

Pagbabago sa Seksiyon 17 na ito

Sa kabila ng anumang probisyon sa Tuntunin na ito na taliwas, sumasang-ayon kami na kung gagawa kami ng pagbabago sa hinaharap sa Seksiyon 17, maaari mong tanggihan ang anumang pagbabago sa pagpapdala sa amin ng liham na abiso sa loob ng 30 araw ng pagbabago sa: [email protected].    

Pananatili.  Mananatili ang Seksiyon 17 sa kabila ng pagtatapos ng mga Tuntunin na ito  

18. Abiso sa California

Sa ilalim ng California Civil Code Section 1789.3, ang mga konsyumer mula California ay may karapatan sa sumusunod na abiso ng mga espesipikong karapatan ng konsyumer: Maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng liham ang Complaint Assistance Unit ng Division of Consumer Services ng California Department of Consumer Affairs sa 1625 N. Market Blvd., Suite N 112, Sacramento, CA 95834, o sa telepono sa 1(916) 445-1254 or 1(800) 952-5210. Maaari kaming pasulat na kontakin sa AppLovin Corporation, Attn: “Legal”, 1100 Page Mill Road, Palo Alto, CA 94304.  

19. Pangkalahatang Tuntunin 

Binubuo ng Tuntunin na ito ang buo at eksklusibong pagkakaunawaan at kasunduan sa pagitan namin hinggil sa Serbisyo, at ang Tuntunin na ito ay mamamayani at papalit sa anuman at lahat ng naunang pasalita o pasulat na pagkakaunawaan o kasunduan sa pagitan namin hinggil sa Serbisyo. Kung sa anumang dahilan nasabi ng isang korte na may maaasahang hurisdiksiyon na hindi balido o hindi maipapatupad ang anumang probisyon ng Tuntunin, ipapatupad ang probisyon sa maximum na saklaw na pinapayagan at ang iba pang probisyon ng Tuntunin ay mananatili nang may buong puwersa at epekto. 

Hindi mo maaaring italaga o ilipat ang Tuntunin, sa operasyon ng batas o anupaman, nang wala kaming paunang liham na pahintulot. Anumang subok na italaga o ilipat ang Tuntunin na ito, nang walang naturang pahintulot, ay walang bisa. Maaari naming malayang italaga o ilipat ang Tuntunin nang walang restriksiyon. Ayon sa naunang pahayag, mapapasailalim at kikiling sa benepisyo ng mga partidoang mga Tuntunin na ito, kanilang mga tagapagmana at pinayagang maitalaga. 

Anumang abiso o ibang komunikasyon na binigay namin sa ilalim ng Tuntunin, kabilang iyong hinggil sa mga pagbabago sa Tuntunin, ay ibibigay: (i) sa pamaamgitan ng email; o (ii) ipo-post sa Serbisyo. Para sa mga abiso na ginawa sa e-mail, ang petsa ng pagtanggap ang ituturing na petsa kung kailan ipinadala ang abiso. 

Ang kabiguan na ipatupad ang anumang karapatan o probisyon ng Tuntunin ay hindi ituturing na pagtakwilsa naturang karapatan o probisyon. Ang pagtakwil sa anumang karapatan o probisyon ay magkakabisa lang kung pasulat o pirmado ng aming awtorisadong itinalagang kinatawan. Maliban kung hayagang itinakda sa Tuntunin, ang pagsasagawa ng alinmang partido ng anuman sa mga remedyo nito sa ilalim ng Tuntunin ay walang pagtatangi ng ibang mga remedyo nito sa ilalim ng Tuntunin o anupaman. 

20. Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan 

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa Tuntunin o Serbisyo, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa [email protected]