AppLovin Legal Information
AppLovin provides this translation as a courtesy. In the event of any conflict with the English version, the English version controls.

Patakaran sa Privacy


Mga Nilalaman

Petsa ng Bisa: Mayo 3, 2024

Ang AppLovin Corporation (“kami,” “namin,” “amin,” o “AppLovin”) ay nagpapatakbo ng suite ng mga tool para sa mga app developer at iba pang negosyo para i-automate at i-optimize ang pag-market at pag-monetize ng kanilang mga platform, produkto, serbisyo sa pamamagitan ng paglalagay ng iba’t ibang uri ng advertisement sa mga digital property kabilang ang mga mobile app, website, at konektadong TV device (kolektibo, ang “Mga Advertising Service” o “Mga Serbisyo”).  Gaya ng ipinapaliwanag sa ibaba, nakikipag-interact ang mga consumer sa amin sa ilang paraan, pangunahing sa pamamagitan ng mga advertisement na inihahatid ng AppLovin para sa aming mga advertiser.

Ipinapaliwanag sa Patakaran sa Privacy ng AppLovin (ang “Patakaran sa Privacy” na ito) kung paano namin kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi ang impormasyon sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo at advertising platform, at aming corporate website sa www.applovin.com (ang “Website”), pati na rin ang iyong mga pagpipilian kaugnay ng impormasyong iyon.

Ang Aming Mga Advertising Service

Inilalarawan sa seksiyong ito ang impormasyong aming kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi sa pamamagitan ng aming Mga Advertising Service.

Pagkolekta at Paggamit ng Pangkalahatang Impormasyon

Kung isa kang consumer na nagda-download at gumagamit ng application na naglalaman ng AppLovin SDK o kung hindi man ay nakikipag-interact sa Mga Serbisyo sa pamamagitan ng mga advertisement na inihahatid sa loob ng digital property, maaari naming kolektahin ang ilang impormasyon, kabilang ang sumusunod:

Device, App, at Browser Data

  • Pagkakagawa, model, at operating system ng device;
  • Mga device property na may kinalaman sa laki ng screen, orientation, audio, baterya, device memory usage, mga setting, at boot time;
  • Mga device setting na may kinalaman sa mga accessibility feature, laki ng font, at theme; 
  • Carrier;
  • Operating system;
  • Mga pangalan at property ng mobile application kung saan nakikipag-interact ang isang consumer sa Mga Serbisyo;
  • Bansa, time zone, at mga locale setting (bansa at gustong wika);
  • City- at/o country-level o iba pang coarse geolocation data;
  • Uri at bilis ng network connection;
  • IP address;
  • Internet browser user-agent na ginagamit para ma-access ang Mga Serbisyo;
  • HTTP header information;
  • Mga Advertising ID (IDFA/GAID/Amazon FOSAID);
  • Mga Vendor ID (IDFV);
  • Mga App Set ID; at
  • Mga kagustuhan at restriksiyon sa advertising at tracking.

Maaaring piliin ng mga publisher ng application na magbahagi sa amin ng karagdagang impormasyong kabilang ang iyong edad o taon ng kapanganakan, kasarian, email, numero ng telepono, at mga interest segment para sa mga layunin ng kanilang sariling direktang paghahatid ng ad.  Hindi namin pinapanatili ang data na ito o ipinapasa ito sa mga advertising partner.  Mangyaring tingnan ang patakaran sa privacy ng publisher ng application para sa higit pang impormasyon tungkol sa kanilang paggamit ng first party data.

Maaari ding magbahagi ang mga advertiser (sa pamamagitan ng mismong advertiser o sa third party service provider para sa naturang advertiser) ng transanctional o “event” data na nauugnay sa interaksiyon ng isang consumer sa isang application, gaya ng impormasyon tungkol sa mga aksiyong isinagawa sa isang application tulad ng mga pagbili o pag-install ng application.

Pagkolekta at Paggamit ng Impormasyon na Partikular sa Mga e-Commerce Ad Lang

Kung isa kang consumer na nakikipag-interact sa Mga Serbisyo sa pamamagitan ng e-commerce platform o isang merchant platform, maaari kaming mangolekta ng ilang karagdagang impormasyon (na ibinigay mo sa e-commerce platform o merchant, sa pamamamgitan ng API ng third party, aming SDK, pixel, o iba pang katulad na teknolohiya), kabilang ang sumusunod:

Mga Personal na Identifier 

  • Mga pangalan;
  • Mga email address;
  • Mga numero ng telepono;
  • Mga mailing address; at
  • Mga username.

Data at Mga Event ng Shopping at Browsing 

  • Shopping browsing behavior (hal., mga tiningnan) at history ng paghahanap;
  • Mga rekord ng mga produktong binili o pinag-isipan (hal., idinagdag sa cart, nag-check out);
  • Mga history ng pagbili; 
  • Mga tendency o kagustuhan; at
  • Impormasyon hinggil sa mga interaksiyon ng user sa mga advertising partner at mga site at advertisement ng kanilang mga merchant partner.

Paano Namin Kinokolekta ang Iyong Impormasyon

Maaaring awtomatikong kolektahin ang impormasyong ito sa lahat ng mobile app at device o matanggap mula sa mga third party sa lahat ng iba’t ibang teknolohiya paglipas ng panahon. Maaari din naming pagsamahin ang impormasyong kinokolekta namin sa ibang impormasyon na nakukuha namin sa mga analytical technique, at ginagamit namin ang pinagsamang impormasyon na iyon para mag-alok ng Mga Serbisyo. 

Paano Namin Ginagamit ang Iyong Impormasyon

Sa pangkalahatan, ginagamit namin ang impormasyong aming kinokolekta para:

  • Ihatid ang Mga Serbisyo, panatilihin, at pagbutihin ang mga ito, kabilang ang AI-powered advertising technology, at magsaliksik at magpaunlad ng mga bago;
  • Mag-promote ng kaligtasan, seguridad, at integridad ng Mga Serbisyo;
  • Magbigay ng pagsusukat, mga analytic, at reporting; at
  • Sumunod sa mga legal at regulatory na obligasyon.

Gumagamit ka ng AI-powered advertising technology (tinutukoy minsan bilang “automated decision-making”) para matulungan kaming pagbutihin ang aming mga produkto at Mga Serbisyo ng advertising at maghatid ng mga ad na nauugnay at kawili-wili para sa iyo. Ginagamit namin ito sa mga paraang hindi nagbubunga ng mga legal o katulad na epekto sa iyo (halimbawa, sa pamamagitan ng pag-reorder kung paano lumalabas ang mga advertisement kapag bumisita ka sa isang digital property gaya ng mobile app o website).

Pagbabahagi ng Impormasyon

Maaari kaming magbahagi ng impormasyong aming kinokolekta o kinukuha sa mga third party sa mga sumusunod na konteksto:

  • Mga Service Provider. Tina-transfer namin ang impormasyon sa mga service provider, at iba pang partner na sumusuporta sa aming negosyo, tulad ng pagbibigay ng mga technical infrastructure service, pagsusuri kung paano ginagamit ang aming Mga Serbisyo, pagsusukat ng bisa ng mga ad at serbisyo, pagbibigay ng customer service, o pagfa-facilitate ng mga pagbabayad. Dapat umayon ang mga partner na ito sa mga estriktong obligasyon sa kumpidensiyalidad sa paraang naaayon sa Patakaran sa Privacy na ito at sa mga kasunduang papasukan namin sa kanila.
  • Mga Affiliate. Maaari kaming magbahagi ng impormasyon sa loob ng pamilya ng mga kumpanya ng AppLovin para sa mga layuning tumutugma sa Patakaran sa Privacy na ito.
  • Mga Advertising Partner. Nagbabahagi kami ng impormasyon sa aming mga third-party advertising partner, kabilang ang mga advertiser, ad network, exchange, demand side platform, merchant, iba pang advertising partner (na nag-aggregate ng kanilang mga sariling demand source), at ad optimization at measurement/attribution partner (hal., mga mobile measurement partner o “Mga MMP”) para magbigay sa aming mga client ng Mga Advertising Service. Maaaring gamitin ang impormasyong ito ng mga naturang third-party partner para sukatin kung gaano kabisa ang mga ad, magpakita ng mga advertisement sa mga end user para sa mga produkto at serbisyo na posibleng kainteresan nila (isang gawain na kilala bilang interest-based advertising o behavioral advertising), at para magsagawa ng mga web analytic para suriin ang traffic at iba pang ad activity para pagandahin ang advertising experience.

    Malibang kung nakatala sa aming listahan ng partner, ang bawat AppLovin advertising partner ay isang independent na tagakontrol ng iyong data. Makikita mo ang isang listahan ng mga AppLovin advertising partner kung kanino namin ibinabahagi ang iyong data dito, nasa kasalukuyan batay sa petsang nakalista sa itaas na bahagi ng page na iyon.

    Kung hindi mo gustong makatanggap ng mga interest-based advertisement, mangyaring tingnan ang seksiyong “I-manage ang Mga Kagustuhan Ko sa Privacy” sa ibaba. Kung naninirahan ka sa European Union, UK, o Switzerland, maaari mo ring tingan ang seksiyong “Mga Karagdagang Probisyon para sa Mga Indibidwal sa EU/UK” sa ibaba para sa higit pang opsyon. Kung isa kang indibidwal na naninirahan sa mga state ng U.S. na nagsasabatas ng mga komprehensibong batas sa privacy ng consumer, maaari mo ring rebyuhin sa seksiyong “Abiso ng Privacy sa Multistate ng U.S.” sa ibaba para sa higit pang opsyon.

    Mangyaring tandaan na ang mga gawain ng aming mga third-party advertising partner na paghahatid ng mga advertisement sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo ay napapailalim sa mga sariling patakaran ng parivacy ng mga partner na iyon.
  • Mga Regulatory o Legal na Kinakailangan. Maaari kaming magsiwalat ng impormasyon sa mga pan-regulatory na awtoridad ng gobyerno gaya ng iniaatas ng batas, kabilang ang mga layunin ng tax o accounting, bilang tugon sa kanilang mga hiling para sa mga naturang impormasyon o para tumulong sa mga imbestigasyon. Maaari din kaming magsiwalat ng personal na impormasyon sa mga third party kaugnay ng mga claim, pagtatalo, o paglilitis, kapag hindi man iniaatas ng batas o court order.
  • Pagpapatupad ng Kaligtasan at Mga Tuntunin. Maaari kaming magsiwalat ng impormasyon kung matutukoy namin, sa sarili naming pasya, na kinakailangan ang pagsisiwalat nito para protektahan ang kalusugan, kaligtasan, o mga karapatan mo o ng sinupamang tao, protektahan laban sa panloloko, o ipatupad ang aming mga legal na karapatan, kabilang ang contractual commitment na ginawa sa amin ng aming mga third party.
  • Mga Business Transfer. Maaari kaming magsiwalat ng personal na impormasyong bilang bahagi ng isang organizational business transaction, gaya ng isang merger, acquisition, joint venture, financing, o pagbebenta ng mga organizational asset at maaari naming i-transfer ang personal na impormasyon sa isang third party bilang isa sa mga business asset sa naturang transaksiyon. Maaari din kaming magsiwalat ng personal na impormasyon sa pangyayaring may insolvency, bankruptcy, o receivership.

I-manage ang Mga Kagustuhan Mo sa Privacy:

Para limitahan ang pangongolekta ng impormasyon mula sa mga mobile device, kabilang ang data ng lokasyon, pakibisita ang mga setting ng device mo para i-set ang “Limit Ad Track,” “Location Based Services,” o iba pang katulad na feature sa iyong device. Gayundin, maaari mong ayawan ang interest-based advertising sa loob ng mga ad na inihahatid ng AppLovin. Para sa mga detalyadong tagubilin, tingnan ang Paano Nagpapakita Sa Iyo ang AppLovin ng Mga Ad. Maaari ka ring gumawa ng mga pagpili tungkol sa pagkolekta ng data para sa ilang kompanya sa pamamagitan ng pagbisita sa isang industry consumer choice platform gaya ng NAI (https://optout.networkadvertising.org/) o DAA (https://optout.aboutads.info/).  Maaari ka pa ring makatanggap ng mga ad matapos limitahan ang pagpoproseso ng impormasyon para sa interest-based advertising, ngunit maaaring hindi na gaanong nauugnay sa mga interes mo ang mga ad na iyon. 

Para makita o pamahalaan ang data na kinokolekta ng AppLovin mula sa iyong device, maaari mong i-download ang AppLovin Privacy Management Application mula sa Apple o Google Play Store:

App Store
Google Play

Sa pamamagitan ng pag-navigate sa mga tab sa AppLovin Privacy Management Application, maaari kang magbura ng personal na impormasyon na kinolekta ng AppLovin tungkol sa iyo o humiling ng kopya ng personal na impormasyong iyon.

Proteksiyon sa Privacy sa Online ng Mga Bata

Hindi kami sadyang nangongolekta ng personal na impormasyon mula sa, o naghahatid ng mga advertisement sa, mga bata gaya ng inilalarawan at iniaatas ng mga naaangkop na batas. Kung sa tingin mo ay nakapaghatid kami ng advertisement sa isang bata o posibleng may anumang personal na impormasyon kami mula sa o tungkol sa isang bata, o kung sa tingin mo ay idinisenyo ang isang mobile application para lang sa, o nakadirekta sa, o nagpapasa ng personal na impomasyon mula sa, mga bata, mangyaring i-email kami sa [email protected].

Maaari kaming mangolekta ng ilang uri ng impormasyon (hal., IDFV, mga publisher age-related flag) mula sa mga pangkalahatang audience app para sa mga aktibidad na umaakma sa pagpapaliban ng “suporta para sa mga panloob na operasyon” mula sa abiso at mga kinakailangan sa pahintulot sa Children’s Online Privacy Protection Rule.

Seguridad at Pagpapanatili ng Data

Nag-iimplementa kami ng mga makatwirang hakbang para tumulong na siguruhin ang impormasyong kinokolekta namin sa Mga Serbisyo. Pinapanatili namin ang data na kinokolekta namin sa pamamagitan ng Mga Serbisyo nang hanggang 2 taon. Awtomatikong pinu-purge ang impormasyon sa sistema namin kung hindi nakatanggap ang Mga Serbisyo ng anumang updated na impormasyon para sa isang device sa nagdaang 2 taon. Tandaan na pananatilihin namin ang impormasyon sa mga system namin hangga’t kinakailangan para tumugon sa aming mga legal na obligasyon, magresolba ng pagtatalo, at magpatupad ng mga kasunduan.

[DULO NG MGA ESPESIPIKONG PROBISYON SA MGA ADVERTISING SERVICE]

AppLovin

Ang Aming Website

Inilalarawan sa seksiyong ito ang impormasyong aming kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi sa pamamagitan ng aming Website.

Mga Cookie at Iba Pang Katulad na Teknolohiya

Gumagamit ang Website ng mga cookie, web beacon, o iba pang katulad na teknolohiya para mangolekta ng impormasyon para sa iba’t ibang layunin, kabilang ang interest-based advertising. Maaaring kabilang sa impormasyong ito ang iyong IP address, device identifier, uri ng browser, uri ng device, ang petsa at oras ng iyong pagbisita, at ang mga bahagi ng Website na binisita mo. Para alamin pa ang tungkol sa at i-manage ang mga cookie sa Website na ito, mangyaring i-click ang “Mga Cookie Setting” sa aming Website footer. Maaari mo ring limitahan ang paggamit ng mga cookie sa iyong mga browser setting. Tandaang may ilang bahagi ng Website na hindi gagana nang maayos kung walang cookie. Gayundin, maaari ka pa ring makatanggap ng mga ad matapos limitahan ang pagpoproseso ng impormasyon para sa interest-based advertising, ngunit maaaring hindi na gaanong nauugnay sa mga interes mo ang mga ad na iyon. Kung buburahin mo ang iyong mga cookie, i-reset ang iyong device identifier, o gumait ng ibang browser o device, maaaring kailanganin mong pumili ulit.

Nakikipag-partner kami sa Google Analytics para mas matuto pa tungkol sa paggamit mo ng Website namin. Para sa higit pang impormasyon kung paano gumagana ang Google Analytics, maaari kang bumisita dito. Para umayaw sa Google Analytics, maaari kang bumisita dito at sundan ang mga tagubilin.  

Pagkolekta ng Karagdagang Impormasyon para sa Mga Business Account Owner

Kapag nag-register ka sa AppLovin para gamitin ang aming Mga Serbisyo, maaari kang magbigay sa amin ng personal na impormasyon gaya ng iyong pangalan, email address, numero ng telepono, mailing address, user name, at password. Maaari ka ring magbigay sa amin ng impormasyon sa pagbabayad kapag nagsumite o nakatanggap ka ng pagbabayad, o iba pang impormasyong kapag kinukumpleto mo ang mga available na online form sa Website. Maaari din naming kunin ang impormasyon mula sa mga trusted source para i-update o i-supplement ang impormasyong kusa mong ibinigay sa amin o awtomatiko naming kinolekta.

Paano Namin Ginagamit ang Iyong Impormasyon

Maaari naming gamitin ang impormasyong aming kinolekta o ibinigay mo sa amin sa pamamagitan ng Website para sa iba’t ibang layunin, kabilang ang:

  • Para makipag-ugnayan sa iyo, halimbawa, sa pamamagitan ng mga newsletter o sa iba pang impormasyon tungkol sa aming mga produkto at serbisyo;
  • Para patakbuhin at pagandahin ang Website at ang aming Mga Serbisyo;
  • Para i-customize ang Website;
  • Para sa mga analytic at pananaliksik;
  • Para sa mga layunin ng pag-market; at
  • Para sa mga layuning isiniwalat sa oras ng pagkolekta.

Pagbabahagi ng Impormasyon

Maaari kaming magbahagi ng impormasyong aming kinokolekta sa pamamagitan ng Website sa mga sumusunod na konteksto:

  • Nang may pahintulot mo;
  • Para sa mga layunin ng advertising at pag-market;
  • Bilang tugon sa isang subpoena, court order, o iba pang legal na proseso;
  • Para protektahan ang aming mga karapatan at ang karapatan ng iba;
  • Sa aming mga affiliate;
  • Sa aming mga service provider na tumutulong sa amin na patakbuhin ang Website at Mga Serbisyo;
  • Bilang bahagi ng pagbebenta, merger, o acquisition, kabilang ang sa bankruptcy; at
  • Para sa mga layuning isiniwalat sa oras ng pagkolekta.

Mga Link sa Iba Pang Website

Maaaring magbigay ang Website ng mga link sa iba pang website o iba pang digital property na hindi namin kinokontrol. Hinihikayat ka naming rebyuhin ang patakaran sa privacy ng mga digital property na iyon na maaaring binisita mo.

Pag-update ng Impormasyon

Puwede mong i-update ang personal na impormasyong ibinigay mo sa amin sa pamamagitan ng pagtatama, pag-update, o pagbura sa impormasyong nauugnay sa iyo sa pamamagitan ng iyong AppLovin account. Para magdagdag, magbago, magbura, o humiling ng access sa personal na impormasyon tungkol sa iyo na mayroon kami, mangyaring tingnan ang seksiyong “Makipag-ugnayan sa Amin” sa ibaba.

Mga Kagustuhan Mo sa Pag-market

Kung ayaw mo nang makatanggap ng mga email na may kaugnayan sa pag-market mula sa amin hanggang sa hinaharap, maaari mong ayawan ang pagtanggap ng mga email na ito sa pamamagitan ng pag-click sa “Mag-unsubscribe” sa ibaba ng anumang marketing email na matatanggap mo mula sa amin o sa pamamagitan ng pag-email sa amin sa [email protected].

Mga Bata

Hindi ginawa ang mga aming Website para gamitin ng mga bata gaya ng inilalarawan at iniaatas ng naaangkop na batas. Hindi kami sadyang nangongolekta ng personal na impormasyon mula sa mga bata sa pamamagitan ng Website. Kung sa tingin mo mayroon kaming anumang personal na impormasyon mula o tungkol sa isang bata, pakikontak kami sa [email protected].

Seguridad at Pagpapanatili ng Data

Nag-i-implementa kami ng mga makatwirang pisikal, teknical, at administrative security na hakbang para sa Website para makatulong na protektahan ang impormasyong aming kinokolekta at tinatago.

Para sa detalyadong impormasyon hinggil sa pagpapanatili na may kaugnayan sa mga cookie sa applovin.com domain, mangyaring i-click ang “Mga Cookie Setting” sa aming Website footer para matuto pa. 

Nagpapanatili kami iba pang impormasyon gaya ng customer contact at impormasyon sa pagbabayad sa mga system namin hangga’t kinakailangan para tumugon sa aming mga legal na obligasyon, magresolba ng pagtatalo, at magpatupad ng mga kasunduan.

[DULO NG MGA PROBISYON NA PARTIKULAR SA WEBSITE]

AppLovin

Mga Karagdagang Probisyon para sa Mga Indibidwal sa EU/UK

Kung naninirahan ka sa European Union, Switzerland, o sa United Kingdom, maaaring nalalapat sa iyo ang mga sumusunod na karagdagang probisyon.

Data Privacy Framework

Sumusunod ang AppLovin sa EU-U.S Data Privacy Framework (EU-U.S. DPF), sa UK Extension sa EU-U.S. DPF, at sa Swiss-U.S. Data Privacy Framework (Swiss-U.S. DPF) gaya ng itinatakda ng U.S. Department of Commerce.

Pinapatunayan ng AppLovin sa U.S. Department of Commerce na sumusunod ito sa EU-U.S. Data Privacy Framework Principles (EU-U.S. DPF Principles) kaugnay ng pagproseso ng personal na data na natatanggap mula sa European Union na nakasandig sa EU-U.S. DPF at mula sa United Kingdom (at Gibraltar) sa ilalim ng UK Extension sa EU-U.S. DPF.  Pinapatunayan ng AppLovin sa U.S. Department of Commerce na sumusunod ito sa Swiss-U.S. Data Privacy Framework Principles (Swiss-U.S. DPF Principles) kaugnay ng pagproseso ng personal na data na natatanggap mula sa Switzerland na nakasandig sa Swiss-U.S. DPF. Nakatuon ang AppLovin sa pagsasailalim ng lahat personal na data na natatanggap mula sa Data Privacy Framework, sa naaangkop na Principles ng Framework. Para matuto pa tungkol sa Data Privacy Framework, bisitahin ang Data Privacy Framework List ng U.S. Department of Commerce, available sa: https://www.dataprivacyframework.gov/.

Responsable ang AppLovin sa pagproseso ng personal na data na natatanggap nito sa ilalim ng bawat Data Privacy Framework at pagkatapos ay ita-transfer sa isang third party na kumikilos bilang isang ahente para dito. Sumusunod ang AppLovin sa Data Privacy Framework Principles para sa lahat ng susunod na pag-transfer ng personal na data mula sa EU, sa United Kingdom, at Switzerland, kabilang ang mga susunod na probisyon sa pananagutan sa pag-transfer.

Kaugnay ng natanggap o na-transfer na personal na data bilang pagsunod sa Data Privacy Framework, napapailalim ang AppLovin sa mga kapangyarihan ng mga tagapagpatupad ng regulatory ng U.S. Federal Trade Commission. Sa ilang sitwasyon, maaaring kailanganin ng AppLovin na magsiwalat ng personal na data bilang tugon sa mga nakaayos sa batas na hiling ng mga pampublikong awtoridad, kabilang ang pagtugon sa mga kinakailangan ng national na tagapagpatupad ng seguridad at batas.

Bilang pagsunod sa EU-U.S. DPF,  sa UK Extension sa EU-U.S. DPF, at sa Swiss-U.S. DPF, nakatuon ang AppLovin na tukuyin ang mga hindi nareresolbang reklamo na nauugnay sa aming pamamahala sa natatanggap na personal na data na nakasandig sa EU-U.S. DPF, sa UK Extension sa EU-U.S. DPF, at sa Swiss-U.S. DPF sa TRUSTe, isang alternatibong provider ng pagresolba ng pagtatalo na nakabase sa United States.  Kung hindi ka nakakatanggap ng napapanahong pagkilala ng iyong mga reklamo kaugnay ng DPF Principles mula sa amin, o kung hindi natutugunan ang iyong mga reklamo kaugnay ng DPF Principles nang sapat, mangyaring bisitahin ang https://feedback-form.truste.com/watchdog/request para sa higit pang impormasyon o para maghain ng reklamo.  Ibinibigay sa iyo nang libre ang mga serbisyo ng pagresolba ng pagtatalo na ito.

Para sa mga reklamo kaugnay ng hindi nareresolbang pagsunod sa DPF ng anupamang DPF mechanism, may posibilidad, sa ilalim ng ilang kundisyon, na mapanawagan mo ang legal na arbitrasyon. Mahahanap ang higit pang impormasyon sa opisyal na DPF website.

Makabatas na Batayan sa Pagproseso

Sa mga partikular na okasyon, pinoproseso namin ang iyong personal na data kapag kinakailangan para sa performance ng isang kontrata kung saan isa kang party, para magbigay ng mga serbisyo sa iyo. Maaari din naming iproseso ang iyong personal na data para tumugon sa mga katanungan hinggil sa aming mga produkto at serbisyo.

Sa ibang okasyon, pinoproseso namin ang iyong personal na data kung kinakailangan ng batas. Maaari din naming iproseso ang iyong personal na data kung kinakailangan para protektahan ang iyong interes o ang interes ng isang third party.

Gayundin, pinoproseso namin ang iyong personal na data kung kinakailangang gawin ito para makaiwas sa panloloko, magpabuti ng aming network at serbisyo, at pagma-market ng serbisyo namin sa mga advertiser at publisher, kung saan hindi nahihigitan ang mga interes na ito ng iyong karapatan sa proteksiyon ng data.

Kung ang pagproseso ng iyong personal na data ay kinakailangan, sa pangkalahatan, sisiguraduhin namin na nakuha ang pahintulot mo at walang ibang makabatas na batayan para sa naturang pagproseso. May karapatan kang bawiin ang pahintulot mo sa pagproseso ng iyong personal na data anumang oras.

Para sa mga tanong tungkol sa pagproseso ng data, pakikontak ang aming Data Protection Officer. Bisitahin ang seksiyong “Contact” sa ibaba para sa impormasyon sa pagkontak.

Mga Bata

Hindi kami sadyang nangongolekta ng personal na impormasyon mula sa, o naghahatid ng advertising sa, mga bata na wala pa sa edad na 16 sa pamamagitan ng Mga Advertising Service at ng Website. Kung sa tingin mo ay nakapaghatid kami ng advertisement sa isang bata o posibleng may anumang personal na impormasyon kami mula sa o tungkol sa isang bata, o kung sa tingin mo ay idinisenyo ang isang mobile application para lang sa, o nakadirekta sa, o nagpapasa ng personal na impomasyon mula sa, mga bata, mangyaring i-email kami sa [email protected].

Ang Mga Karapatan Mo

Kung isa kang indibidwal sa EU o UK, kaya mong:

  • Humingi ng access sa personal na data na mayroon kami tungkol sa iyo;
  • Hilingin na itama namin o burahin ang iyong personal na data;
  • Hilingin na pigilan o i-block namin ang pagproseso sa iyong personal na data;
  • Sa ilang sitwasyon, makatanggap ng personal na data tungkol sa iyo na aming tinatago at ipinapadala sa iba nang walang sagabal sa amin, kabilang ang paghiling na direkta naming ibigay ang iyong personal na data sa iba, hal., karapatan sa data portability; at
  • Kung saan kami unang nanghingi ng iyong pahintulot, bawiin ang pahintulot sa pagproseso ng iyong personal na data.

Para isagawa ang mga karapatang ito, pakikontak kami sa email address na nakatakda sa seksiyong “Makipag-ugnayan sa Amin” sa ibaba.  Maaari ding makipag-ugnayan sa aming Data Protection Officer sa email address na ito.  Maging malay na maaaring hindi namin maipagkaloob ang ilang karapatan sa iyo sa ilalim ng ilang sitwasyon, tulad ng kung may legal na balakid dito.

Sa ilang sitwasyon, maaari kang magtalaga ng awtorisadong ahente para isagawa ang anumang karapatan na mayroon ka para sa iyo.  Kung pipiliin mong isagawa ang anumang karapatan sa pamamagitan ng awtorisadong ahente, kakailanganin mong i-verify ang iyong pagkakakilanlan sa amin bago namin maprosesos ang anumang hiling.  Bilang karagdagan, kakailanganin namin ng pasulat na dokumentasyon na nagpapakita ng awtoridad ng awtorisadong ahente na kumilos para sa iyo.

Gayundin, may karapatan kang maghain ng reklamo sa amin. Para gawin iyon, kontakin ang namamahalang awtoridad sa iyong bansang tinitirhan.

Mga Kinatawan sa Privacy ng EU at UK

Itinalaga namin ang Prighter Group bilang aming mga kinatawan sa privacy sa EU at UK.  Puwede mo kaming kontakin sa pamamagitan ng aming mga kinatawan sa privacy sa mga sumusunod: 

Para sa mga residente ng EU:
PrighterGDPR-Rep by Maetzler Rechtsanwalts GmbH & Co KG
c/o AppLovin Corporation
Kriegerstraße 44
30161 Hannover
Germany

Para sa mga residente ng UK:
PrighterUK-Rep by Prighter Ltd.
c/o AppLovin Corporation
20 Mortlake Mortlake High Street
London, SW14 8JN
United Kingdom

Mahahanap ang karagdagang impormasyon hinggil sa aming mga kinatawan sa privacy sa sumusunod na link: https://prighter.com/q/19826057144.

[DULO NG MGA PROBISYON NA PARTIKULAR SA EU/UK]

AppLovin

Abiso sa Privacy ng Multi-State ng U.S.

Kabilang ang mga karagdagang probisyon para sa mga indibidwal na residente ng mga state ng U.S. na nagsasabatas ng mga komprehensibong batas sa privacy ng consumer sa aming Abiso sa Privacy ng Multi-State ng U.S., na nagpapaliwanag kung paano maaaring isagawa ng mga residente doon ang kanilang mga karapatan sa privacy.

AppLovin

Mga Pagbabago sa Patakaran

Maaari naming baguhin, sa sarili naming pasya, ang Patakaran sa Privacy na ito oras-oras para mabigyang-pansin ang mga bagong teknolohiya, gawain sa industriya, kinakailangan sa regulatory, o iba pang layunin. Kung gagawa kami ng anumang pagbabago, ia-ipdate namin ang naka-post na “Petsa ng Bisa” sa itaas na bahagi ng Patakaran sa Privacy na ito. Kung gagawa kami ng anumang mahalaga pagbabago, maaari ka naming abisuhan sa pamamagitan ng pag-email (ipapadala sa email address na tinutukoy sa iyong account) o sa pamamagitan ng abiso sa Website bago magkabisa ang pagbabago. Hinihikayat ka naming pana-panahong rebyuhin ang Patakaran sa Privacy na ito para masigurong nauunawan mo ang kung paano naming kinokolekta, ginagamit, at binabahagi ang impormasyon.

Magkakaroon ng bisa ang anumang pagbabago sa Patakaran sa Privacy na ito kapag ang nirebisang Patakaran sa Privacy naka-post na sa Website. Sa pamamagitan ng patuloy na paggamit sa Website o Mga Adevertising Service pagkatapos ng mga naturang pagbabago, sumasang-ayon kang tanggapin ang mga tuntunin ng nirebisang Patakaran sa Privacy.

Makipag-ugnayan sa Amin

Kung may mga tanong o komento ka tungkol sa Patakaran sa Privacy na ito, mangyaring sulatan kami sa:

Data Protection Officer
AppLovin Corporation
1100 Page Mill Road
Palo Alto, CA 94304

Maaari mo rin kaming kontakin o ang aming Data Protection Officer sa pamamagitan ng email sa [email protected].

Manyaring tiyaking naisama mo iyong nauugnay na impormasyon ng account sa anumang korespondensiya sa amin.  Makakatulong itong masigurong matutugunan namin ang iyong tanong nang napapanahon.

Kung may isyu ka sa customer care, mangyaring bisitahin ang AppLovin Support.